💛 Ideal Profit Margin sa Gold Products 💛
Para sa gold, ang ideal reseller profit margin ay nasa 10% hanggang 25% lang. Minsan mas mababa pa sa mga high-value pieces kasi:
- Standard ang presyo ng gold at madalas chine-check ng buyers ang market price.
- Kapag sobrang taas ng patong, baka umatras ang buyer.
- Kahit 10% lang, malaki pa rin ang kita kasi mataas ang base price.
📌 Example:Kung ang cost mo ay ₱30,000:
- 10% margin → Sell at ₱33,000 (₱3,000 profit)
- 15% margin → Sell at ₱34,500 (₱4,500 profit)
- 20% margin → Sell at ₱36,000 (₱6,000 profit)
💡 Tip:Gamitin ang sliding margin – mas mababang % sa mga mamahaling items, mas mataas na % sa mas murang items para competitive ka pero kumikita pa rin.